Panungkalang Pagtaas ng Presyo ng Sewer

Pipes

PAGHAHANDA PARA SA HINAHARAP

Kumplikado at mahalagang gawain ang pag-gamot sa wastewater na dumaraan sa ating planta, gayon din  ang pag-iwas sa pagdaloy ng polusyon sa mga storm drain mula sa Vallejo papunta sa Bay; isa itong trabahong ipinagmamalaki nating ginagawa sa mahigit 65 taon.

Sa pagtingin sa hinaharap, prayoridad natin na palitan ang lumang imprastruktura ng mga imburnal  at matugunan ang mga pangangailangan ng mga bagong regulasyon habang hangga’t maari ay patuloy na magamit ng mahusay ang puhunan na ibinabayad ninyo sa halaga ng sewer.   

Malapit ng matapos ang kapakinabangan sa isang malaking bahagi ng prosesso sa pag-treat ng maruming tubig mula sa mga imburnal, at mangangailangan ng bagong puhunang kapital upang mapangalagaan ang kalusugan at pag-aari ng lahat ng mga naninirahan sa Vallejo.  

Umaasa kayo sa amin ng serbisyong sapat at maaasahan, at ito ang aming ibibigay. 

Sa proseso ng pangmatagalang pagpaplano, natukoy namin ang ilang mahalagang bagay na dapat i-upgrade o palitan sa ating mga  pasilidad at kagamitan para matiyak na patuloy na gagana ang mga ito sa kasalukuyan at sa mga susunod na panahon. 

PLANTA SA PAGGAMOT NG DUMI SA ALKANTARILYA

Kailangan ng istratehiko at nakapriyoridad na pagpapalit ng mga lumang asset na nanganganib  pumalya, pati na ang mga pagpapahusay na tutugon sa pagsunod sa regulasyon.

Higit $45M ang kailangan sa susunod na 10 taon, na pangunahing itutuon  sa mga sistemang elektrical, pangunahing piping, at mga proseso ng paggamot.

Ang mga improvements para sa pagsunod sa regulasyon ay tinatayang aabot sa higit sa $120M sa pagpapabuti sa planta sa susunod na 20 taon. 

MGA SEWER PIPE AT PUMP/LIFT STATION

Higit sa 70 taong gulang na ang higit-kulang sa 100 milya ng tubo sa sistemang imburnal. Lampas $15M ang nakaplano para sa rehabilitasyon at pagpapalit ng mga nasisirang tubong imburnal sa susunod na 10 taon; Ang kritikal na pagtaas ng kapasidad ng higit sa $10M ay mahalaga para sa kinakailangang pagmakabago sa ilang “mainland sewer lift station.”

HANDLING NG MGA SOLID

Kailangan ng mahalagang pag-upgrade ng proseso para sa mga “solids” upang matugunan ang kinakailangan sa regulasyon at para mapabuti ang operasyon. 

TUBBS ISLAND

Higit $10M ang gagamitin upang mapabuti ng Distrito operasyon sa pagproseso ng “solids’ sa Tubbs Island, kasama na ang pag-improve sa “levee” na magtutuon ng pansin sa epekto ng pagtaas ng antas ng dagat.

PAG-UNAWA SA ANTAS NG SINGIL SA “SEWER”

Karamihan sa rate na kinikita ng Distrito ay mula sa mga residensyal at komersyal na kustomer bilang singil sa bayarin sa buwis sa ari-arian. Ang mga industrial at gobyernong kustomer at directang sinisingil sa regular na batayan. 

Ang mga residenyal na kustomer ay sinisingil sa isang “flat rate” batay sa pag-average ng gamit ng tubig sa taglamig at lakas ng “wastewater” para sa lahat ng mga residensyal na kustomer. 

Ang mga komersyal na kustomer ay sinisingil batay sa sangkapat (quarterly) na “average” na konsumo ng tubig at lakas ng “wastewater” sa nakaraang taong taglamig, at karagdagang buwanang batayang singilin (base charge). 

Ang mga kustomer industryal as sinisingil batay sa konsumo ng tubig, lakas ng “wastewater,” na sinusukat batay sa “biochemical oxygen demand: at kabuuan ng “suspended solid” na na naiambag sa proseso ng treatment, at karagdagang komersyal na batayang singilin (base charge). 

Ang “Upper Lateral” ay sinisingil bilang pantay na halaga (flat amount) kada “parcel” sa lahat ng uri ng “user,” at ginagamit ito para bayaran ang mga pagpapabuti sa nga “upper lateral” upang maiwasan ang pag-apaw at iba pang epekto na maaring likhain ng “groundwater inflitration.”

PAANO NAKABATAY ANG MGA SINGIL?

Nagpapanukala ang Distrito ng 5-taong pagtaas ng singil sa “sewer,” na nakabatay sa “Sewer Rate Study,” 10-taong Planong Pinansyal at 10-taong plano para sa “Capital Improvements,” at ilang Master Plans. Ang pangangailangan sa pagsasayos ng antas ng singil ay sinuri ng isang kumpanya ng mga enhinyero na kilala sa buong bansa. Ang Pag-aaral sa antas ng singil (Rate Study) ay makukuha online dito o sa pamamagitan ng pagtawag sa (707) 644-8949. 

PROGRAMA SA PINABABANG SINGIL

Nag-aalok ang Distrito ng Programa sa Pinababang Singil (Reduced Rate) para sa mga kuwalipikadong residensiyal na kustomer na nag-mamayri at nakatira sa kanilang bahay. 

Para sa taon ng buwis mula Hulyo 1, 2023 hanggang Hunyo 30, 2024, 17.5% ang panukalang pagbawas sa karaniwang singil sa mga residensiyal na antas ng sewer. 

Kasalukuyang partisipasyon sa CARE Program ng PG&E ay kinakailangan; mag-apply sa www.PGE.com/care. May parehong pagkakataon din ang mga residente ng Mare Island sa pamamagitan ng Island Energy.

May bisa sa loob ng dalawang taon ang mga aprubadong aplikasyon. 

Ang mga aplikasyong natanggap at naaprubahan bago ang Disyembre 31, 2023 ay ia-adjust para sa kasalukuyang taong piskal, at ang mga aplikasyon makalipas ang Enero 1, 2024 ay ia-apply sa singil sa susunod na taong piskal. 

I-dowload ang aplikasyon o kumpletuhin ang “online form.”

KASALUKUYAN AT PANUKALANG ANTAS NG SINGIL

Kinalkula ng Pag-aaral sa Antas ng Singil (Rate Study) ang maaring payagan na singil sa “sewer” para sa susunod na limang taon, base sa kakailanganing kita ng Distrito at paglalaan ng gastos sa bawat uri ng kustomer. Ginamit ng Board of Trustees ang ulat na ito sa pagpapanukala ng pag-adjust ng singil simula Hulyo 1, 2023 at bawat Hulyo 1 sa kasunod na apat na taon. 

Ang panukalang pagbabgo sa singil, na nakabatay sa mga “projection” na nakasaloob sa 10-taong planong pinansyal (financial plan) ay magbibigay ng sapat na kita sa Distrito upang mabayaran at mapondohan ang inaasahang gastusin sa operasyon, proyektong pagpapahusay na kakailanganin para pagtuunan ng pansin ang papalumang imprstruktura, tugunan ang mga bagong pangngailangan sa regulasyon, at mga epekto ng patuloy na pagtindi ng mga bago. 

Sumangguni sa Ordinansa ng “Sewer Rate” ng Distrito (District Code 4.08) para sa kahulugan ng mga termino at karagdagang detalye kung paano gagamitin ang mga nabanggit na “rate” sa itaas.

Billing Unit
Current Charge per Month
Proposed Charge Effective 7/1/2023
Proposed Charge Effective 7/1/2024
Proposed Charge Effective 7/1/2025
Proposed Change Effective 7/1/2026
Proposed Change Effective 7/1/2027
Residential Customers
Flat Rate
64.12
73.74
84.80
97.52
103.38
109.18
Commercial and Industrial Customers
Monthly Charge
50.80
54.26
57.96
61.90
66.12
70.62
Group 1 
(per hcf)
3.26
3.68
4.15
4.69
5.30
5.98
Group 2
(per hcf)
3.61
4.10
4.66
5.30
6.03
6.86
Group 3
(per hcf)
5.83
6.75
7.82
9.06
10.49
12.14
Group 4
  per hcf
  BOD (lbs.)
  SS (lbs.)

2.60
0.37
0.40

2.89
0.45
0.45

3.22
0.54
0.51

3.58
0.65
0.58

3.98
0.78
0.65

4.43
0.94
0.73
Group 5
(per milion gal.)
3,460.71
4,080.38
4,811.00
5,672.44
6,688.12
7,885.68
Schools
Monthly Charge
50.80
54.26
57.96
61.90
66.12
70.62
Per ADA
6.04
6.80
7.66
8.62
9.70
10.94
Upper Lateral
Per Parcel/ Connection1.381.702.042.402.402.40


MGA PAMPUBLIKONG PAGPUPULONG

Distrito 1 at 2: Hiddenbrooke/Northgate/North Vallejo/Mini
Mayo 10 @ 6:00 p.m.
Vista Room sa Dan Foley Cultural Center, 1499 N. Camino Alto

Distrito 3 at 4: Glen Cove/Mare Island/North Waterfront
May 18 @ 6:00 p.m.
Mira Theater, 51 Daniels Avenue

Distrito 5 at 6: Central at South Vallejo Flood and Wastewater District
May 8 @ 6:00 p.m.
South Vallejo Community Center, 545 Magazine Street

Virtual
May 30 @ 6:00 p.m.
ZOOM ID: 819 7845 5463 Password 799234

PAMPUBLIKONG PAGDINIG

Ang Distrito at magsasagawa ng apat na pampublikong pagpupulong (isang “virtual”) at isang pampublikong pagdinig. Ang paksa ay ang panukalang pagtaas ng singil sa sewer upang makatulong sa pagpalit ng nalulumang imprastruktura ng alkantarilya (sewer) at pagtugon sa mga papalabas na  pangangailangang regulatoryo. 

Martes, Hunyo 13, 2023 @ 6:00 p.m.

Harapan sa 555 Santa Clara Street o virtual sa https://ZoomClosed.CityOfVallejo.net

PROSESO NG PAGDINIG SA RATE AT PAANO TUMUTOL

Alinsunod sa Proposisyon 218 (Prop. 218) at Konstitusyon ng California, ang singil sa “wastewater” ay hindi maaaring mas higit pa sa halaga ng pagbibigay ng ganitong serbisyo. 

Isasaalang-alang ng Board of Trustees ang mga panukala sa pagtaas ng singil sa susunod na limang taon para sa lahat ng mga lahat ng may ari-arian na konektado sa alkantarilya (sewer) sa isang pampublikong pagdining sa Hunyo 13, 2023 sa City Council Chambers ng Lungsod ng Vallejo sa 555 Santa Clara St.  Ang abisong ito ay ipinapadala sa lahat ng naitalang may-ari ng mga kapiraso ng lupa (parcel) na tumatanggap ng serbisyong “wastewater” mula sa Distrito o sinumang mapapasailalim sa mga ipanapanukalang pagbabago alinsunod sa Konsitusyon ng California Artikulo XIII D, Seksyon 6. 

Maaaring tutulan ng mga may may ari ng ari-arian (property owner) ang mga panukalang pagtaas ng singil.  Ang kasulatan sa pagtutol (written protest) ay tatangapin bago ang at sa panahon ng pampublikong pandinig. Ang mga kasulatan sa pagtutol ay maaring ipadala sa koreo (mailed) o personal na dalhin bago matapos ng pampublikong pagdinig, sa Clerk of the Board ng Distrito sa 450 Ryder St., Vallejo, CA 94590. Dapat na nakatala sa kasulatan sa pagtutol ng address ng ari-arian o Numero ng Parsel ng Assessor, at kailangang lagdaan ito ng may-ari ng lupa. Maari ring isumite ng “scanned” na kopya ng nilagdaang sulat sa pagtutol at i-email ito sa protest@vallejowastewater.org. Lahat ng materyal na kasulatan sa pagtutol at kailangang matanggap bago magsara ang pampublikong pagdinig.  Alinsunod sa batas, hindi maaring isaalang-alang ang pagtaas ng singil kung makakatangap ng balidong nakasulat na pagtutol mula sa karamihan ng mga may pagmamay-ari. Anumang asunto na hahamon sa panukalang pagtaas ng singil at kailangang ihain sa loob ng 120 araw mula sa Hulyo 1, 2023, ang epektibong petsa.

View All FAQs